Christmas Wish List
Super maaga ang pasko sa Fujitsu.....he he he....
IMAGINE! December 2, aga di ba?
Yesterday we received the memo making December 2 as Fujitsu's Christmas Party celebration. This is a company-wide celebration (we're more than 5,000 in population, beat that!) and for this year the theme is "STREET PARTY". Contests such as "Street Dance", "Street Beat", "Jeans-senyong Orig" are announced for enthusiasts.
May guest celebrities ba?....abangan
Ano kaya ang raffle prizes......abangan din
Ano kaya ang food........ah alam na namin yan, walang kamatayang rice and fried chicken he he.
At ang pinakaaabangan...BONUS!!...usually mga ganitong araw din to binibigay e.
MORE of the Christmas atmosphere...
As early as this month, may Kris Kringle na kami dito sa office...haayy excited ang mga bata!
Syempre isip ng codename..bunutan ng name ng baby...revelation kung sino ang mommy at baby...
also, meron pa kaming WISH list (eto yong sistema na may-i-request-whatever-gift-I-want-to-receive, basta ba swak sa ni-set na value ng gift e (let's say 100 pesos)...
actual wish na naisulat sa aming wish list:
Dove na sabon (madaling hulaan kung sino..isang banidoso/banidosa o merong sensitive na balat o mahilig manggaya ng mga babaeng nasa Dove commercial)
Payong (isang taong laging nakikisukob sa payong ng may payong tuwing umuulan, at dahil siguro nahiya na rin, hinintay nya ang pagkakataong ito para magkaroon ng payong)
Bench socks (gasgas na tong request na to, medyas na naman?...ah Sir Benj ikaw to no?)
Notebook (Bah! at mukhang miss yata ang student life o baka naman ayaw nya ng notebook na supply dito sa ofis)
Heartstring pouchbag (lagi tong may dalang mga abubot)
Any stuffed toy (cguro meron tong anak o kaya isip bata)
Damit na pambata (ah nanay to o kaya mag-aanak sa binyag kailangan ng pangregalo)
Good Housekeeping magazine (ako nag request nito e, o di ba sakto sa 100-peso value at hindi pa mahirap hanapin)
I even heard someone requested for a nailcutter ha ha...
And many more.....